Blue Fin Lending Asia Inc


Paano Magbukas Ng Bank Account?



Likas sating mga Pilipino ang walang sapat na ipon at walang plano pagdating sa paghahanda sa kinabukasan. Marahil sa ngayon naging bukas na ang ating isipan sa panahon ng pandemya kung ano ang kahalagahan ng pagiipon at maging daan para tayo ay maging handa. Sa paksang ito malalaman natin kung paano nga ba magkaroon ng account sa bangko at dapat tandaan sa pagpili ng bangko.

 

Ang bawat bangko sa Pilipinas ay may kanya kanyang dokumento na dapat paghandaan kung ikaw ay mag-aapply ng isang account. Unang una dapat ikaw ay may 2 Valid ID’s katulad ng mga sumusunod, Postal ID, Social Security System o SSS card, Philippine Passport, Voter’s ID, Senior Citizen ID, OFW ID, National ID, Driver’s License, Philhealth ID, PRC ID at mga ID’s na nagpapatunay ng iyong kasarinlan at siguraduhin na hindi ito expired. 

 

Pangalawa ay Utility Bill bilang patunay ng iyong address o tinatawag na proof of billing address katulad ng Electricity Bill, Water Bill, Internet Bill, Credit Card Bills at iba pa na nagpapatunay ng iyong kasalukuyang address.

 

 Pangatlo ay 2 Kopya ng 2x2 Photo o magdala ng 1x1 Photo sa karagdagang dokumento. Panghuli ay ang pera na idedeposit mo sa bangko ngunit ito ay nakadepende sa kung anong uri ng bangko at savings account ang nais mong buksan. Kung ikaw ay kumpleto na sa mga dokumento na nabanggit maaari mo na itong ihanda at pumunta sa ninanais mong bangko upang makapag apply na magkaroon ng bank account. Pagkakatandaan na mabuti ring maghanda ng photocopy ng iyong dokumento sakaling ito ay hanapin ng bangko para sa mas mabilis na  proseso sa pag aaply.

 

Marahil nagiisip ka ngayon kung ano nga ba ang magandang bangko para iyong pagiipon. Laging tandaan na pumili ng bangkong matagal ng nagbibigay serbisyo o tinatawag na well-established na bangko para sa seguridad ng iyong pera. Mahalaga din malaman mo kung meron binibigay ang isang bagko na serbisyong accessible online upang di ka mahirapan at lumabas pa ng bahay para lamang sa isang transaksyon. Dapat din natin malaman kung magkano at anu-anong fee o iba pang charges na pinapatong ng isang bangko sa ibat-ibang transaksyon. Piliin ang bangko na malapit sa iyong bahay at angkop sa iyong pamumuhay. Mahalaga na pumili ng naaayon sa ating kaginhawaan at nagbibigay ng benepisyo o magandang serbisyo sa mga darating pang panahon.

 

Fast Off-Line Lending

Contact us to apply off-line. We will support you through the application process

Clear & Transparent

No hidden fees, ever. That’s our promise

We Care

Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.

Totally Secure

We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations

Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply