Blue Fin Lending Asia Inc


MGA URI NG BANK ACCOUNT



Marahil ikaw ay naging interesado na sa pagiipon sa banko kaya sa paksang ito malalaman natin kung anu-ano nga ba ang ibat ibang uri ng bank account sa Pilipinas. Bawat uri ng bank account ay may iba't ibang benepisyo at kwalipikasyon. 

 

  • Savings Account ito ang uri ng pagiipon kung saan ang investor ay makakakuha ng Time rate interes. Sa Time Deposit investment binabayaran lamang ito sa katapusang termino ng investment at ang investor ay mangangako na hindi nya kukunin ang pondo sa loob ng nakatakdang panahon. Ang time deposit ay may kanya kanyang termino mula 1 buwan hanggang 5 taon at ang bawat termino ay may kaakibat na permanenteng interest rate. Halimbawa sa isa o dalawang buwan ang interest ay pumapatak sa 3 porsyento samantala ang 3 buwan ay pumapatak ng 3.05 na porsyento ang 6 na buwan ay pumapatak ng 3.10 na porsyento at ang isang taon ay pumapatak sa 3.15 na porsyento ngunit tandaan na ang bawat interest rate ay nakadepende sa kung anong banko ang iyong kinuha. Kadalasan din mataas ang maintaining balance ng iyong pera sa iyong account dahil hindi ito maaaring bumaba dahil magkakaroon ka ng penalty. 

 

  • Checking Account ito naman ay isang uri ng account na maaari kang mag withdraw o mag deposit at magpadala ng pera ito ay katulad sa savings account ngunit ito ay walang interest na kung saan pwedeng lumaki ang deposit kada buwan o taon. Sa account na ito kaya tinatawag na checking account ay dahil meron itong tseke o check na kung saan pwede kang mag issue sa ibang tao o pwedeng gamiting pambayad. 

 

  • Business Account ito ay binibigay lamang sa CEO ng isang malaking Negosyo at marami itong features at benepisyo na hindi katulad sa regular na accounts at ito rin ay makakatulong para sa  seguridad ng may ari ng kumpanya.

 

Sa tatlong uri ng bank account na ito alam ko na may napili kana para sa iyong pagiipon. Laging tandaan na kumuha ng account sa bangko na naaayon sa ating pangangailangan.

 

Fast Off-Line Lending

Contact us to apply off-line. We will support you through the application process

Clear & Transparent

No hidden fees, ever. That’s our promise

We Care

Your satisfaction is at the heart of what we do. We will always listen to your feedback, questions and concerns.

Totally Secure

We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations

Most Versatile Lender in the Philippines. Draw down are manually underwritten.*Terms & conditions apply