Financial Planning para sa mga Filipino



Mahirap maging mahirap. Marahil narinig mo na ang kataga na iyan sa iyong mga kaibigan o pamilya, naisip mo ba kung bakit? Sa katunayan kapag ikaw ay mahirap ay mahirap din ang buhay sapagkat kailangan ng pera upang maging magaan ang buhay. Hindi ka ba sang-ayon? Siguro naisip mo na sapat na sa iyo ang kumita ng pera na makakapag-lagay ng pagkain sa lamesa ng tatlong beses sa isang araw o di kaya ay kuntento ka nang kumita ng pera na sakto lamang sa pambayad sa mga bayarin. Sa totoo lamang, naisip mo na ba kung pwede mo pang higitan ang mga bagay na sa palagay mo ay sapat na? Mas masarap ang magkaroon ng pera pambili sa pagkain na gusto mo na hindi na maghihintay ng almusal, tanghalian, at hapunan; mas masarap kapag may pambili ka ng tiket at pang-book sa isang mamahaling hotel dahil gusto mong magbakasyon. 

 

Isa sa mga problema nating mga Pilipino ay ang pagiging kuntento na lamang sa maliit na bagay na pwede namang palaguin pa. Paano? Kailangan mo syempre magkaroon ng Financial Planning. Hindi iyong may pera ka pero sige ang gastos sa mga walang katuturan na bagay. Narito ang ilang paraan kung paano simulan ang paggawa ng Financial Planning. 

 

Financial Planning para sa mga Pilipino: 

 

Alamin ang iyong reyalidad- unang hakbang ay ang tanggapin ang sitwasyon mo. Kung ikaw ay kumikita lamang ng twenty thousand pesos kada buwan, tanggapin mo! Gumastos lamang ng naaayon sa iyong kinikita. Huwag mong ipilit na ipakita sa ibang tao na ikaw ay marangya kung hindi naman talaga. 

 

Linawin ang layunin- bakit ka mag paplano ng iyong pinansyal na gastos? Sagutin mo ito at kilatisin mo ang sarili mo kung ano ba ang dahilan kung bakit gusto mo itong gawin. Kapag na tiyak mo ang dahilan ay mas magkakaroon ka ng direksyon sa iyong pera. 

 

Maging mapagmatyag- syempre, kung naglista ka ng iyong mga gastusin, mabuti rin na i-analyze mo kung mayroon bang progreso sa iyong ginagawa. Malalaman mo sa paraan na ito kung epektibo ba ang ginagawa mo.

Fast & Convenient

Apply anytime, from anywhere, 24/7

Clear & Transparent

No hidden fees, ever. That’s our promise

We Care

Your satisfaction is at the heart of what we do, we will always listen to you

Totally Secure

We are regulated by the SEC and adhere to all Data Protection Regulations

Fastest Lender in the Philippines. Decision in seconds. Money in your bank in minutes.*Terms & conditions apply